Paano nangyayari na ang isang araw mong sahod ay halos katumbas lang ng isang cake, ilang grocery, o ilang simpleng gastusin? Bakit kahit may trabaho ang maraming Pilipino, nananatiling mahina ang kanilang purchasing power?
Sa librong ito, ibinabahagi ni Kyle Nelson Omac ang kanyang personal na karanasan bilang isang ordinaryong manggagawa — mula sa pagiging banana chips worker na below minimum ang sahod, hanggang sa pagpasok sa freelance work at corporate job na may mas mataas na kita. Sa mga karanasang ito, nagsimula siyang magtanong:
May mali ba sa sistema?
Hindi ito akademikong libro tungkol sa ekonomiya. Isa itong realtalk tungkol sa sahod, oportunidad, at sa sistemang nakakaapekto sa buhay ng ordinaryong Pilipino. Ipinapaliwanag dito kung bakit hindi sapat ang simpleng pagdami ng trabaho kung ang purchasing power ng manggagawa ay nananatiling mahina.
Tatalakayin sa librong ito ang:
• Bakit parang walang halaga ang sahod ng maraming Pilipino
• Paano nakakaapekto ang purchasing power sa ekonomiya
• Ano ang papel ng sistema ng gobyerno at foreign investment sa pag-unlad ng bansa
• At ano ang mga practical na paraan para magkaroon ng mas magandang purchasing power bilang isang indibidwal
Ang librong ito ay hindi lang para magreklamo. Ito ay paanyaya para mag-isip, makialam, at magtanong.
Dahil kung hindi tayo magagalit sa mga bagay na nagpapahirap sa ating bansa—
Kung hindi ka galit, bakit?